------------ ***Third Person’s POV*** - Warning: Slight SPG! - Nakaupo si Harold sa couch na nasa loob ng kanyang kwarto, nakaharap sa kanyang laptop. Kasalukuyan siyang abala sa pangangalap ng impormasyon tungkol kay Arabella. Bilang isang pribadong imbestigador, hindi mahirap para sa kanya ang matukoy ang ilang mahahalagang detalye tungkol sa isang tao gamit lamang ang kanyang laptop. Mabilis niyang binabasa ang anumang impormasyong matagpuan niya, sinusuri itong mabuti. Paminsan-minsan, napapakunot ang kanyang noo sa mga nadidiskubre niya, at may mga sandaling napapahinto siya upang mag-isip nang malalim, tila inuugnay ang mga piraso ng impormasyon na kanyang natuklasan. Maya-maya pa, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya itong kinuha mula sa gilid niya at sinilip ang

