------- ***Azalea’s POV*** - Nasa San Martin kami ngayon. Dala ng kahilingan ni Yzari, at ako naman, sinamantala ko na rin ang pagkakataong ito na makadalaw. Matagal-tagal na rin mula nung huli akong nakabisita sa puntod nina Inay, Itay, at Yasmin. Tahimik ang paligid ng sementeryo. Basa pa ang lupa mula sa ulan kanina. Sa ilalim ng payong na hawak ko, dahan-dahan akong lumapit sa puntod ng mga mahal ko sa buhay, at marahan kong inilapag sa ibabaw ng marmol ang dala-dala kong diploma. Napakabigat ng damdamin ko habang tinititigan ko iyon. Parang bumalik sa akin ang lahat ng hirap, sakripisyo, at ang mga gabing umiiyak ako habang nangangarap. "Inay, Itay, Yasmin," mahina kong sambit habang unti-unting naiiyak ang tinig ko, "grumadweyt na ako." Hindi ko na napigilan ang pagluha. Bumig

