--------- ***Azalea’s POV*** - Nasa study room kami ng mga magulang ni Yashir, binisita nilang dalawa si Yzari dahil halos isang buwan na rin ang lumipas mula nang nakita nila si Yzari at miss na miss na daw nila ang apo. Masaya naman si Yzari na nakita ang lolo at lola niya. Sandali siyang nakipaglaro sa mga ito. Pagkatapos ng halos isang oras, niyaya ako ng mga magulang ni Yashir na pumunta sa study room dahil may kailangan daw sila sa akin. Mahalaga. Nasa loob na kami ng study room. Magkaharap na nakaupo, magkatabi ang mga magulang ni Yashir sa sofa, habang nasa harapan naman nila ako. “Azalea, ija... I’m sorry,” ani ni mommy Saskia. Napatingin ako sa kanya. Naaninag ko agad ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. “Alam namin kung ano ang ginagawa ni Yashir ngayon. Na patuloy pa

