------- ***Azalea’s POV*** - Dalawang buwan na ang lumipas mula nang bumalik kami ni Yzari dito sa San Martin. Pinili kong hindi na manatili sa mansyon ng mga Montreal. Ang mansyon ay hindi naman kasali sa 75% na bahagi ng farm na nasa pangalan ko. At ayaw ko din tumira doon dahil sa maalala ko lang si Yashir. Pinilit ako nina Mommy Saskia at Daddy Savino na doon muna manirahan, lalo na’t sila naman ay pansamantalang aalis. Pero mas pinili ko pa ring magpagawa ng isang simple pero maaliwalas na bahay sa lugar kung saan nakatirik noon ang lumang bahay namin. Gusto ko nang magsimula muli, sa lugar kung saan ako komportable. Nasa ibang bansa sina Mommy Saskia at daddy Savino. Hindi ko nga alam kung kailan sila babalik. Pagkatapos nilang ibigay sa akin ang mga dokumento ng farm at ipaman

