----- ***Azalea's POV*** - Warning: Contain Mature Scene! - Siniil niya muli ng halik ang labi ko. Gusto kong komontra, patigilin siya sa ginagawa niya pero wala akong lakas para gawin ito. Tila ako alipin na walang kakayahan komontra sa kanyang amo. Sa bawat halik niya, pakiramdam ko ay unti-unti akong nalalasing. Para bang ang matamis niyang labi ay may taglay na espesyal na sangkap na nakakalasing. Parang sa bawat segundo ng kanyang halik, unti-unti nitong hinihigop ang natitira kong katinuan. At sa hindi ko namalayang sandali… nadala na ako kahit laman ng isip ko ang katanungan na hindi niya masagot. Tuluyan akong nilamon ng init ng kanyang mga halik. Tuluyan akong sumuko sa alon ng damdaming matagal nang nandito sa puso ko. At gumanti ako. Tinumbasan ang intensidad na ib

