------
***Third Person’s POV***
-
Kahit tuluyan na silang nakabalik sa mansyon, hindi pa rin maibsan ang matinding galit na nararamdaman ni Yashir. Gusto niyang sumigaw, magwala, at ibuhos ang lahat ng inis at hinanakit na naiipon sa kanyang dibdib. Hindi niya matanggap ang lahat ng nangyari.
Sa unang tingin pa lamang sa babaeng napili ng kanyang mga magulang para maging asawa niya, alam na agad ni Yashir na hindi niya ito kailanman magugustuhan. Kung hindi man siya under the influence ng hard na alak nun, marahil ay hindi niya kailanman magagawang galawin ang babaeng iyon. Sapagkat kung nasa matinong kalagayan lamang siya, ni hindi niya papansinin ang isang tulad ni Azalea. Kaya ngayon, masama ang loob niya, at sobra ang pagkamuhi niya sa mga pangyayari. He considers himself almost perfect in every way—almost physically perfect, matalino, at anak pa ng isang bilyonaryo. Kaya para sa kanya, parang pinagsakluban siya ng langit at lupa nang dahil sa babaeng iyon.
How dare his parents force him to marry that ugly little girl?
“Ano bang problema mo?” mariing tanong ng kanyang ama habang nanlilisik ang mga mata at galit na nakatitig sa kanya. “Kanina mo pa kami pinapahiya ng mommy mo. Ano na lang ang sasabihin ng inay at itay ni Azalea—na pinalaki ka naming walang respeto?”
Ngunit kung galit ang kanyang ama, mas galit siya. Hindi niya hahayaan ang kanyang mga magulang na patuloy na kontrolin ang kanyang buhay. Dalawampu’t anim na taon na siya—kaya na niyang tumayo sa sariling mga paa. Plano na niyang sundan si Denise sa Paris at doon magsimula ng bagong buhay kasama ito. He has billions in his account. Hindi siya natatakot na ma-disown ng sariling pamilya. Ang sigurado lang siya, he won't marry Azalea. Pakiramdam niya, para na rin niyang nilugmok ang sarili sa putikan kung ipapakasal siya sa isang babaeng gaya nito.
Matalim ang tingin niyang hinarap ang ama.
“What is my problem?” mariin at may hinanakit niyang sagot. “Ikaw. Kayong lahat ang problema ko. Hindi ko maintindihan kung anong nakita niyo sa babaeng iyon at pilit niyo akong pinapakasal sa kanya. Hindi ba kayo nag-isip na pandidirihan ko ang hitsura ng babaeng iyon? Dugyot, gusgusin, at parang palaging sunog sa araw ang balat. Do you honestly think I would want to spend the rest of my life with someone like her?”
Agad namang pumagitna ang kanyang ina. Matalim ang titig nito sa kanya, at punong-puno ng galit ang tinig nito nang magsalita.
“How dare you say that? Maganda si Azalea. She’s naturally beautiful—walang halong lahi, purong Pilipina.”
At doon mas lalo siyang nainis. Iyon na nga ang hindi niya gusto—hindi talaga siya naaakit sa mga babaeng morena o purong Pilipina. Half-Canadian si Denise. She fits his taste. Ilang beses na rin siyang naakit sa ibang babae, at lahat ng iyon ay may dugong banyaga.
Si Denise—she’s much better than Azalea in every aspect.
“At saka,” patuloy ng ina niya, “'yang mga sinasabi mo tungkol kay Azalea, ganyan din ako noon. Para mo na rin akong iniinsulto.”
Napailing siya at mariing sumagot, “Oh please, Mom. Hindi mo dapat ikumpara ang sarili mo kay Azalea. Hindi kayo magkamukha. At kahit sabihin nating gano’n ka noon at nagustuhan ka ni Dad, hindi ibig sabihin na kailangan ko ring magustuhan ang Azalea na iyon.”
Hindi na muling nagsalita ang kanyang ina, ngunit mas lalong nanalim ang titig nito sa kanya—punong-puno ng pagkadismaya at sakit.
“At sino ang gusto mo?” singhal naman ng ama niya. “Si Denise? I told you from the very beginning—she’s not the right woman for you.”
Yashir’s temper flared even more. No matter how long he and Denise had been together, his parents had never learned to accept her. In fact, not a single member of his family liked Denise. And it wasn’t even because of something she did wrong. The truth was, Denise came from the bloodline of his father’s ex-girlfriend—Charlotte, the woman who had once been the reason his parents’ relationship fell apart.
They are so unfair. Hindi man lang nila binigyan ng pagkakataon si Denise para patunayan ang sarili nito sa kanila. Ang tingin nila sa kanya ay kasing sama ni Charlotte—na para bang uulitin nito ang kasaysayan. Pero ang totoo, iba si Denise. Mabuting babae si Denise. She loves Denise.
Kinalma muna niya ang sarili saka sinagot ang ama.
“’At sino ang right woman para sa akin?’” mariin at galit na sagot niya sa kanyang ama. “Ang Azalea na iyon?” Napabuga siya ng hangin sa sobrang inis. “Well, I’m telling you now, I will never accept that Azalea. If you force me to marry her, I swear I’ll make her life a living hell.”
Lalong tumindi ang galit na naramdaman ng kanyang ama. Nakita ni Yashir ang sobrang pagkuyom nito sa kamao, tila ba pinipigilan ang sarili.
Agad niyang inihanda ang sarili. Alam niyang sa susunod na segundo ay maaaring tumama ang kamao ng ama sa kanya.
“Kaya ‘wag na ‘wag niyo akong pipilitin pa!” mariin niyang dagdag, nanginginig ang tinig sa tindi ng damdamin. “I won’t marry that woman. Not in this lifetime—and definitely never in my next lifetime! I will not lower my standard of a woman like her. Pilitin niyo pa ako, and you will reg—”
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla siyang suntukin ng kanyang ama. Mabilis at malakas.
Agad namang pumagitna ang ina niya sa pagitan nilang dalawa upang hindi na masundan pa ng isa pang suntok. Napatitig siya sa kanyang ama, at ilang saglit silang nagkasukatan ng matatalim na tingin. Galit sa galit. Sakit laban sa pagkadismaya.
Pagkatapos ay tumalikod siya nang mariin at mabilis na lumakad palayo. He knew it—wala siyang mapapala sa pakikipagtalo rito. It’s useless. Walang saysay. Hindi rin naman siya nito naiintindihan. Pilit nitong ipinagkakasa sa kanya ang isang bagay na hindi niya kayang tanggapin.
Ngunit isa lang ang malinaw sa kanya—hinding-hindi siya papayag na pakasalan si Azalea.
That woman! She is nothing but a b*tch and a gold digger. Sigurado siya—ngayon pa lang, nagdiriwang na ang babaeng iyon. Tuwang-tuwa na siguro ito sa pag-aakalang magiging bahagi siya ng pamilyang Montreal. She must be thinking she already won.
Well, she’s wrong.
He won’t let that happen. Not now. Not ever.
--------
Hindi siya makatulog.
Nakatingala si Yashir sa kisame habang nakahiga sa malambot na kama. Para sa kanya, mabigat ang hangin sa silid—isang nakakabinging katahimikan na lalo lamang nagpapabigat sa kanyang isipan.
Azalea.
That woman.
Siya lang ang laman ng isip niya ngayong gabi. Kahit ilang ulit pa siyang pumikit at pilit na ibaon sa ibang bagay ang kanyang iniisip, si Azalea pa rin ang bumabalik. Hindi niya matanggap. Hindi niya matanggap ang posibilidad na baka mapilitan siyang pakasalan ang babaeng iyon. At higit pa roon—hindi niya matanggap na buntis ito. At ang ideya na siya ang ama ng dinadala nito ay parang pagkaing hindi niya kayang lunukin.
Napakuyom siya ng kamao habang nakatitig pa rin sa kisame. Galit, inis, pandidiri—lahat na yata ng masamang emosyon ay nag-uunahan sa dibdib niya. Parang binaboy siya ng tadhana. Parang pinagtatawanan siya ng kapalaran kung si Azalea nga ang mapapangasawa niya.
Pwede naman niyang ipa- paternity test ang batang nasa sinapupunan nito. May paraan para malaman ang totoo. Pero—paano kung sa kanya nga ang bata?
Napakagat siya sa labi, pilit pinipigil ang namumuong galit. Instead of thinking about how to get Azalea out of his life, his thoughts were now consumed with how to get rid of the child. It would be easier if the child disappeared—after all, that was the only reason he was being forced to marry her. And if the child was his, it wasn’t exactly a loss.
He and Denise could have many children in the future. Beautiful children. Healthy, intelligent, and most importantly—children he actually wanted, children he would love. Not like Azalea’s child. He couldn’t bring himself to accept that child.
Kailangan niyang mag-isip ng plano.
Kung paano ito makukunan, pero hindi siya mapaparatangan. Kailangan malinis ang lahat. Kailangan magmukhang aksidente. Walang makakaalam. Para matapos na ang lahat.
Maya-maya, napalinga siya sa paligid. Dahan-dahan ang paggalaw ng kanyang mga mata, sinusuri ang bawat sulok ng silid. At doon niya biglang naalala—
Ito ang kwarto.
Ito ang silid kung saan nangyari ang lahat. Ito ang dahilan kung bakit buntis ngayon ang mukhang perang Azalea na iyon.
Bigla siyang kinilabutan. Parang may dumaan na malamig na hangin sa kanyang batok. Agad siyang bumangon, hinawi ang kumot, at tumayo. It felt as if a ghost from the past suddenly resurfaced, sending a chill across his skin. He felt cursed—right here in this very room.
Hindi niya kayang manatili dito.
Mabilis siyang lumabas ng kwarto. Hindi siya mapalagay. Hindi siya mapakali.
Mas mabuti pa siguro sa guestroom na lang siya matulog ngayong gabi.
Kinabukasan…..
Yashir was immediately met with news that ignited a firestorm of anger in his chest first thing in the morning. As he scrolled through social media, a video appeared on his feed—posted by mutual friends he and Denise shared.
Isang video ni Denise.
Nakipaghalikan ito sa isang male model, at sa paligid nila ay ang mga kasamahan nitong halatang tuwang-tuwa pa habang pinapanood ang tagpong iyon—tila isang eksenang ipinagmamalaki pa.
Halos naibato ni Yashir ang kanyang cellphone sa sahig sa tindi ng galit na agad sumiklab sa kanya.
Hindi siya makapaniwala.
He wanted revenge. He wanted to hurt Denise in a way that was worse than the pain he felt now. How could she have betrayed him like this?
May tampuhan lang sila, oo. Hindi pa sila opisyal na naghiwalay, pero heto't nakikipaglaplapan na ito sa iba, parang wala silang pinagsamahan.
Napakuyom siya ng kamao, halos pumutok ang mga ugat sa tindi ng galit. Gusto niyang bumawi. He wanted to get back at her in a more brutal way—pain that Denise wouldn't easily forget.
A revenge that would hurt more. That would be more insulting. Something that would strip Denise of herself in pure rage.
Fine, Denise. You're kissing another man, then—
Isa lang ang biglang sumiksik sa isip niya sa sandaling iyon. Isa lang ang paraang pumasok sa isip niya habang nilalamon siya ng galit at pride. Isa lang ang naisip niyang paraan para makaganti sa ginawa ni Denise sa kanya.