------- ***Third Person’s POV*** - Agad naman binalikan ni Azalea si Connor, gusto niyang humingi ng pasensya dito. Pero napakunot- noo siya. Mula sa may kalayuan pa lang ay tanaw na niya si Connor na tila nakikipag-argumento sa bago niyang assistant. Hindi niya marinig kung ano ang pinag- uusapan ng dalawa pero pakiramdam niya ay mabigat ang tensyon na namagitan sa mga ito. Isang linggo pa lang niyang assistant si Seraine. Dalaga at mas matanda lang siguro sa kanya ng ilang taon. Maganda din ito, matangkad at parang diyosa na bumaba sa lupa. Nang mapansin ng dalawa ang presensiya niya, agad na natahimik ang mga ito. Parang wala lang nangyari. Lumapit si Seraine, may ngiti sa labi, at iniabot sa kanya ang ilang data na hinihingi niya kanina. Maayos itong nagpaalam pagkatapos at saka ta

