------ ***Azalea’s POV*** - Note: Some parts are from the revised version of the Prologue. - Apat na araw nang nanatili sa ospital si Yzari. Halos buong angkan ng Montreal ay nakabisita na sa kanya, halos lahat ng kakilala ay bumisita na rin sa kanya. Isa na lang sa tingin ko ang hindi pa nakapunta dito sa ospital, at iyon pa ang pinakamahalaga. Lagi na lang akong nagte-text kay Yashir, halos nakikiusap na ako sa kanya na sana puntahan naman niya si Yzari dahil hinahanap siya nito, pero hanggang ngayon, hindi na nga siya pumupunta dito—wala pa akong natanggap na tugon mula sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya, hindi ko naman matawagan ang cellphone niya. Sa tuwing idadayal ko ang numero niya, nakapatay ito. Walang kahit sino man sa kakilala namin, kahit kapamilya niy

