-------- ***Third Person’s POV*** - Kahit pa tinalikuran siya ni Azalea matapos niya itong halikan, at nagalit ito sa kanya, nakaramdam pa rin si Yashir ng bagong pag-asa. Ang naging tugon ni Azalea sa halik—tulad ng kung paano ito tumutugon noon—ay sapat upang mapagtanto niya na baka may natitira pang damdamin ito para sa kanya. Galit lang ito. Galit, oo, pero hindi nangangahulugang wala na itong nararamdaman. At sa pagkakataong ito, buo ang kanyang loob—kailangan lang niyang paigihan pa ang panunuyo dito. Nalaman niyang mahilig si Azalea sa mga halamang may bulaklak, kaya agad siyang nagpa-deliver ng sampung klase ng magagandang halamang namumulaklak—may mga rosas, gumamela, santan at ilang bulaklak na hindi na niya alam ang mga pangalan. Lahat ng ito ay puro magagandang klase. Sigur

