------ ***Third Person’s POV*** - Alas singko pa lang ng umaga ay nasa farm na si Azalea. Maaga niyang sinimulan ang araw para masiguro ang maayos na takbo ng umaga sa farm. Isa-isa niyang ininspeksyon ang mga gawain—mula sa pagpapakain ng mga manok, baboy, at iba pang mga hayop, hanggang sa kalinisan ng paligid. Hindi man siya ang direktang gumagawa ng lahat, sinisigurado niyang nasusunod ang mga tamang proseso. Kasalukuyan niyang kausap si Mang Kador, ang matagal nang katiwala sa farm, tungkol sa supply ng pagkain ng mga hayop. “Sapat pa ba ang feeds para sa linggong ito?” tanong ni Azalea habang hawak ang maliit na notepad na may listahan ng kanilang imbentaryo. “Sa manok, ma’am, sapat pa. Pero sa feeds ng mga baboy… baka kulangin tayo ngayong linggo,” sagot ni Mang Kador, sabay

