----- ***Azalea's POV*** - Akala ko napagtanto na niya sa kung ano ang tama nang inihinto niya ang kotse. Akala ko, sa dami ng mga sinabi ko, bumigay na rin siya. Pero nagkamali ako. "Naubusan tayo ng gasolina," mariin niyang sabi sabay suntok sa manibela. Napaigtad ako sa gulat. "Ano? Ha? Paanong naubusan?" tanong ko, hindi makapaniwala. "Malinaw ba? Naubusan tayo ng gasolina," ulit niya, ngayon ay mas madiin at mas mabigat ang boses. "F*ck, hindi ko napansin na paubos na pala ang gasolina nitong kotse. At ngayon nga, ayaw nang umandar dahil ubos na pala," naiinis niyang dagdag. Napatingin siya sa cellphone niya. Mariin siyang napamura nang mapansin na walang signal. Sa ilang piling lugar lang dito sa San Martin may signal, at sa bahaging kinaroroonan namin ngayon—wala talaga. Sabi

