------ ***Azalea’s POV*** - Ayaw kong isipin ni Yzari na napakalupit ko na pagdating sa ama niya. Kaya kahit labag sa loob ko, wala na rin akong nagawa kundi papasukin si Yashir sa loob ng bahay. “Maghubad ka,” malamig kong utos, mas malamig pa kaysa malamig na panahon. “Seriously? Dito mo ako pahuhubarin? Sa may sala?” balik niya sa akin, nakataas pa ang kilay. Oo nga pala. Nasa sala pa pala kami. “Daddy, you wet our floor,” reklamo ni Yzari habang nakatitig sa basang sahig kung saan tuluy-tuloy ang pagtulo ng tubig mula sa damit ng ama niya. “Seriously, sweetheart, ‘yan pa ang iniisip mo ngayon? Para na nga akong lalagnatin sa ginaw,” hirit pa ni Yashir, kunot ang noo, tila ba sinadyang magmukhang kaawa-awa. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niyang patunayan. Alam naman

