----- ***Azalea's POV*** - Gusto kong magsalita. Gusto kong sagutin ang tanong niya, pero hindi ko magawa. Tila naumid ang dila ko habang nakatitig lang ako sa kanya. Nagkatitigan kami, at sa ilang segundong iyon, parang tumigil ang oras. Parang na-freeze ang lahat sa paligid. Tahimik. Wala akong naririnig kundi ang mabilis na t*bok ng puso ko. Pero siya rin ang unang nakabawi sa titigan naming dalawa. “Miss, okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?” tanong niya, may pag-aalala sa tinig. Kinalma ko ang sarili. Nakakahiya. Masyado akong napahiya sa naging reaksyon ko. Napahugot muna ako ng malalim na hininga bago ako nakapagsalita. Mabuti na lang, sa pagkakataong ito, may lumalabas na sa mga labi ko. “Okay lang ako,” sagot ko sa mahinang tinig, bagama’t halatang may hiya at kaunting pa

