------- ***Azalea’s POV*** - “Ano bang pinagsasabi mo? Hindi mo ba nakita na muntik na siyang matumba?” mariing sabi ng lalaking sumalo sa akin. Pamilyar ang kanyang tinig. Nang medyo nakaayos na ang balanse ko, agad akong bumitaw sa pagkakahawak niya at napalingon. At tama nga ako sa hinala ko. Kaya pala galit na galit si Yashir. “Are you okay?” tanong ni Aiden, sa nag- alalang tinig. Mula nang ikasal kami ni Yashir, ngayon ko lang muling nakita si Aiden. Hiyang-hiya ako sa sitwasyong kinasangkutan namin—hindi lang dahil sa mga taong nakasaksi ng kasal namin noon kundi lalo na sa buong pamilya nila. Matapos ang seremonya ng kasal, nag-away sina Yashir at Aiden. Nagkagulo ang lahat, lalo na nang sinabi ni Aiden sa harap ng lahat na may gusto siya sa akin at handa siyang pakasalan ak

