------ ***Azalea's POV*** - Malakas ang t*bok ng puso ko habang hinihintay ko ang magiging sagot ni Yashir sa tanong ng anak namin. Parang sumisigaw ang damdamin ko—halo ng kaba, pag-aalinlangan, at isang pag-asang pilit kong pinanghahawakan. Sana… sana marinig ko rin ang kasagutan na matagal ko nang inaasam. Sana marinig ko na mahal na rin niya ako. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko narinig ang boses niya. At sa bawat t*bok ng puso ko, para akong unti-unting nauupos sa paghihintay. “Your mother is the reason why I have a daughter like you,” aniya sa banayad ngunit hindi kongkreto niyang tinig. “Of course, I love her because she is your mother. Your mother and I are just not too affectionate, kaya hindi kami nag-‘I love you’ sa harap ng maraming tao.” Para akong binuhusan ng mala

