------ ***Azalea’s POV*** - Nakangiti ako habang lumalapit kay Yashir, tila walang bahid ng galit sa mukha ko. “Bakit? Ano bang iniisip ko?” tanong ko sa kanya habang marahan at maingat kong inaayos ang kwelyo ng polo niyang medyo gusot. “Honey, alam ko naman na wala kang ginagawang masama. Sigurado naman ako na tungkol lang sa business ang pinag-uusapan n’yo ni Denise,” dagdag ko pa, sabay bitiw ng isang pilit na ngiti—isang ngiting plastik, pero sapat na para magmukhang totoo sa mata ng iba. Napanganga si Yashir. Hindi pa ako nakuntento. Iniyakap ko pa ang braso ko sa batok niya, marahan pero may diin. Sa gilid ng aking paningin, tanaw ko ang pag-igting ng panga ni Denise. Kita ko kung paanong nanlilisik ang mga mata niya, pilit pinipigilan ang sarili pero halatang halata—galit na ga

