-------- ***Third Person's POV*** - Agad nilang isinugod si Azalea sa tanging ospital ng San Martin. Nakasakay si Azalea sa stretcher, labis ang pamumutla, balot ng malamig na pawis ang noo nito, at bahagyang nawawalan ng malay habang hindi mapigil ang mahihinang ungol na may kasamang paghawak sa tiyan nito, tila pinipigil ang sakit na unti-unting lumalalim. Aminado si Yashir na naaawa na siya kay Azalea, ngunit wala siyang ibang magawa kundi ang sumabay sa mabilis at aligagang hakbang ng mga nurse na nagmamadaling dalhin ito sa emergency room. Pagkarating nila roon, agad na inasikaso si Azalea ng mga doktor at staff. Ilang minuto pa lamang ang lumilipas nang lumabas ang doktor mula sa loob, seryoso ang ekspresyon ng mukha nito habang hawak ang isang medical chart. “Mr. Montreal?” ta

