------- ***Azalea’s POV*** - Napangiti ako nang makita ko si Marco. Hindi ko inaasahan na mapapadaan siya rito, lalo na ngayon na medyo masama ang panahon. May dala pa siyang bulaklak—mga rosas na halatang galing sa hardin. Siguro galing ito sa mga tanim ni Aling Esther, ang matandang katulong ni Marco. Naalala ko pa nung isang araw, nabanggit niyang namumulaklak na raw ang mga tanim nito. “Hi, bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya, may ngiting sumilay sa aking mga labi. “May pinuntahan lang ako malapit dito,” sagot niya, sabay abot ng mga bulaklak. “Naalala ko lang na dalhan ka nito. Alam kong mahilig ka sa mga rosas. Stress-reliever mo ang mga mga ito, mahilig kang maglagay ng rosas sa flower vase niyo.” Napangiti ako habang tinatanggap ang mga bulaklak mula sa kanya. Ang bango ng

