------- ***Yashir’s POV*** - Wala akong sinayang na oras pa. Pagkatapos ng tawag ni Derrick, agad kong inayos ang lahat ng kailangan para sa aking pagbabalik sa Pilipinas. Inihanda ko agad ang mga kailangan kong dokumento. Binuksan ko ang cellphone ko at nag-log in sa booking platform ng airline. Hindi na ako nagdalawang-isip. Pinili ko ang first available flight patungong Tokyo, Japan—ang una kong layover bago tuluyang lumipad pa-Maynila. First class ang pinili ko. At mamayang gabi ang una kong flight. Pagkatapos ma-finalize ang booking, binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga, parang pinakawalang bigat mula sa dibdib. Saka ako nagsimulang mag-empake, isa-isang inilalagay sa maleta ang mga damit, gamot, at dokumentong kailangan ko tulad ng passport. Wala akong sinayang na

