Ang sagot ng anak!

1781 Words

------- ***Third Person’s POV*** - “Pagkatapos mong magbihis, makakauwi ka na, Yashir,” malamig kong sambit habang nakatayo ako sa tapat ng cabinet. Agad ko siyang tinalikuran at humakbang na ako para makalabas na ng kwarto. Ngunit bago pa ako makalabas ng pinto, isang mainit at biglaang yakap mula sa likuran ang nagpahinto sa bawat hakbang ko. Yinakap ako ni Yashir sa baywang. Mahigpit. Maramdamin. Parang may dalang buhos ng damdaming matagal niyang kinimkim. Para bang ayaw niya akong pakawalan muli. “Azalea—” “Ano ba, Yashir?! Bitawan mo ako!” ani ko, mahina lang ang boses para hindi makadistorbo sa mga kasama namin sa bahay. Nagpupumiglas ako, pilit na kumakawala mula sa bisig niya, pero mas maraming beses siyang mas malakas kaysa sa akin. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD