--------- ***Yashir’s POV*** - Mabuti na lang at hindi nagtagal ang pagiging kritikal ni Denise. Agad kong nabalitaan na nagising na siya at maaari na siyang makausap. Talagang may sa demonyo si Denise—hindi lang siya nakatakas kay kamatayan, mukhang ayaw ni kamatayan sa kanya . Nakakagulat ang bilis ng kanyang paggaling, gayong ilang araw lang ang nakararaan ay halos wala na siyang buhay. Nang makumpirma kong puwede na siyang makausap, hindi na ako nag-aksaya ng kahit isang segundo. Agad akong tumayo at tinungo ang kanyang silid. Pagbukas ko ng pinto, naabutan ko pa ang dalawa naming kaibigan na nakabantay sa kanya. Tahimik ko silang pinaalis—sinabi kong may mahalaga kaming pag-uusapan ni Denise, at hindi ito maaaring marinig ng iba. Pagkasarado ng pinto, tila ba hinihintay na talaga

