------- ***Azalea’s POV*** - Napalunok ako, ramdam ko ang bigat sa lalamunan. Magsasalita na sana ako, handang putulin ang katahimikan na ilang segundong namayani sa pagitan naming lahat—pero muling nagsalita si Yzari. Tahimik man ang tono ng kanyang boses, dama ang bigat ng bawat salitang lumabas sa mula sa kanyang maliit na bibig. “Daddy,” aniya, “sabi mo ihahatid mo lang ako dito kay Mommy. Pwede na po kayong umalis. Baka hinahanap na kayo ni Tita Denise. Di ba may sakit siya? Siya naman dapat ang lagi mong inuuna… di ba?” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong paligid. Walang nagsalita. Walang gumalaw. Lahat yata kami ay napatigil sa pagkagulat sa tinig ng isang batang may kaamuan sa mukha, ngunit may tinig na tila matanda na kung magbitaw ng damdamin. Nag-init ang sulok

