“YOU ready?” Tanong sa akin ni Ninong Aki nang muli siyang humarap sa akin, matapos niyang ilagay ang lahat ng gamit na dala ko sa likod ng sasakyan niya. Nakangiti namang mahina akong tumango rito at saka humarap ako kay mama na kay higpit ng kapit na baywang ko, animo ayaw na akong pakawalan pa. Ngayon ang araw ng pagluwas ko patungong Maynila, para doon mag-aral. Isang linggo na lamang at tapos na ang bakasyon, pero napagkasunduan nila ni papa na ngayong araw na ito na ang luwas ko, para daw nakapahinga na ako ng mabuti, pagdating ng mismong araw ng pasukan. Noon ngang una, ay nagpaalam ako na kina Kael at Aria na lang sana ako sasabay ng pagluwas, at magpapahatid na lang ako sa bahay ni Ninong Aki sa driver nina Kael. Napag-usapan naman na namin iyon ni Kael, at pumayag siya, kay

