"HI, LOVE..." nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Aki na papalapit sa akin. Ngumiti ako ng maliit at bahagyang humarap dito upang tanggapin ang halik na ipinatak nito sa mga labi ko. "Is everything, okay, already?" Tanong nito, kapagkuwan. Dinampot ang isang pirasong loot bag na isa-isa kong nilagyan ng laman at sinilip ang loob niyon. Mayroon naman nang give aways na in-oder si Mommy Victoria, pero gusto ko pa rin na mag-effort na gumawa ng mga loot bags na naglalaman ng mga maliliit na laruan, candies at chocolates para sa mga bata. Inimbitahan namin ang lahat ng mga bata sa subdivision pati na rin ang mga anak-anak ng mga empleyado nina Aki sa kompanya. Siyempre, darating din si Nickos, kasama sina Kael at Beatrice. Gusto ko kasi sana talaga maraming bata para magi

