"CAREFUL," paalala ko habang inaalalayan ang lasing na si Yohann sa pagpasok ng bahay ko. Kung tutuusin ay masyado siyang mabigat. Kulang na lang ay iwan ko na lang siya sa pintuan ng bahay ko. Kung puwede lang. Tila tuluyan nang nawalan ng kontrol si Yohann sa katawan niya at nanlalambot na. Naging mabagal ang paglalakad namin pa-akyat sa pangalawang palapag ng bahay ko. Masyadong malayo ang Antipolo kung doon ko ihahatid si Yohann ngayong gabi. Kaya napagpasyahan kong dalhin na lang siya sa bahay ko. Bahagya akong nakahinga nang maluwag nang makapasok na kaming dalawa sa loob ng kwarto ko. Alalay ko pa rin si Yohann nang maglakad kami patungo ng kama. "Are you really my gilrfriend?" biglang tanong ni Yohann na ikinatingin ko sa kanya. Kanina habang nasa VIP Room kami ng Red Room ay

