YELL'S P O V " Para saan naman iyong pa- hapunan mo? " pabirong usisa ko sa aking Nobyo, mahina lamang s'yang natawa. " Bakit!? Hindi ba pwedeng i- treat ko ang pamilya ng aking mahal na Nobya? " balik naman nitong tanong, sabay halik nito sa likod ng kan'yang palad na hawak- hawak nito. Pinigilan ko nga lamang kiligin at baka lumaki ang ulo, pero magkatabi na kaming naka upo rito pa rin sa ilalim ng puno ng mangga. Katatapos lamang naming kumain at mag ligpit, nagsi pasok na sila sa loob ng bahay para matulog sa kani- kanilang silid. Ayaw pang umuwi ni Ryegunn kaya nag timpla ako ng kape at nakipag- kwentuhan pa sa akin. Maliwanag naman dito dahil nga nag- kabit sila ng ilaw ni Itay. Marami pa nga ang natirang ulam, kaya naman bumili ng yelo ang aking mga kapatid sa kapitbahay nila

