Blaire’s POV Pagkatapos ng yakapan moment naming, napag-isipan naming pumunta na sa room. Buti nalang pagdating namin wala pang teacher, kundi baka sabunin kami ng tanong kung saan kami galing. Pagkaupo naman namin tumingin ako sa tatlo, at alam ko na kaagad ang mga tingin nilang iyon. I just mouthed at them na "I'll explain it to you later". Dumating na kaagad yung history teacher namin at saka nagsimula na itong magdiscuss. Ganun parin yung routine namin, sabay-sabay kaming pupunta sa cafeteria at sabay-sabay din pabalik ng classroom. Nandito kami ngayon sa bahay ng kambal at nagtext narin ako kay Zac na nandito ako sa bahay ng kambal, baka kasi mabaliw na naman yun at baka ireport sa police na nawawala na ako. "So Blaire, ano ba talagang meron sainyo ni Zac?" Tanong sakin ni Aya. An

