Nathan's POV "Ughhh!" Sabi ko sabay unat ng dalawa kong kamay. Maganda kasi yung gising dahil sa nangyari kagabi. Sa tuwing naalala ko yun naeexcite ako lagi. Bading na kung bading, ganito pala talaga pag inlove! Naligo na ako at pagkatapos kong maligo naghanap na kaagad ako ng susuotin ko. Pinuntahan ko yung kwarto ni Nick at tulog pa ito pati din yung iba pinuntahan ko, maliban lang sa kwarto ng girls. Napakamot naman ako sa ulo ko dahil tulog pa sila. "6 am pa pala" sabi ko kaya bumaba na muna ako saglit para tignan kung gising na ba sina nanay Jula at tatay Kale. Pagdating ko sa living room walang tao pero naka-on yung tv at news yung palabas, hinayaan ko nalang dahil baka sinadya ito. Nakita ko si nanay Jula na nagdidilig ng halaman sa garden at si tatay Kale naman ay pinuputol yu

