Aya's POV Tatlong araw na simula nun hindi na namin nakita pa si queen. At ngayon na ang simula ng klase. Gaya ng nakagawian, sabay-sabay ulit kaming pumasok, pero hindi gaya dati na sobrang saya namin. Masaya naman kami pero may kulang sa saya namin dahil wala si Blaire. "Where's Blaire?" "Omoo! Hindi nila kasama si Blaire!" "Bat wala si queen?" "Lumipat na ba siya ng ibang school?" "Baka nagkasakit lang" Ang sarap siguro pakinggan na ang dahilan ng pagkawala ni queen ay dahil nagkasakit siya. Pero hindi eh, kusa siyang umalis para maibsan yung sakit na nararamdaman niya. Nandito na kami sa room at saamin agad yung atensyon ng lahat. Agad naman akong sinalubong ng halik ni Nathan. Simula nung araw na yun naging mas sweet na siya sakin at ginagampanan niya na yung pagiging boyfriend

