Someone's POV Maagang umalis si Blaire ng bahay dahil iniiwasan niya si Zac at ayaw niya itong makasabay. Nagtataka naman itong tinignan ni Manang Gina dahil sa inasta ng dalawa niyang alaga. Pero naisip na rin na baka nag-away na naman ang mga ito. Samantala, si Blaire naman ay dumaan muna sa isang convenience store para bumili ng maiinom dahil bigla siyang nauhaw at may nadaanan siyang grupo ng mga lalake at labis itong makatitig sakanya. Siguro dahil sa suot niya. Pagkatapos ay dumiretso na kaagad siya sa Jt University. Okay lang kasing magsuot ng mga maiikling damit sa school nila, at meron ding policy ng school na hindi talaga required yung school uniform at nasa saiyo na yan kung mag-uuniform ka ba o hindi. Pagkarating niya sa parking lot, natanaw niya naman agad yung mga kaibigan

