(Thursday) Blaire's POV Pagkatapos nung naging sagutan namin kagabi, pareho na naming iniiwasan ang isa't-isa. Mabuti nga yun eh, kesa naman umasa na naman ako.Breaktime na namin at hindi ko makakasabay yung tatlo kasi may date sila. May lovelife sila eh. Naisipan ko nalang na pumunta ng garden. Tutal hindi pa naman ako nagugutom at mahaba pa yung oras ng breaktime namin. Doon ako umupo isa sa mga benches dito sa garden. Gusto ko sanang dun sa may puno pumwesto, kaso baka masilipan ako, mahirap na. I'm wearing a white blouse with a blue strip in every edge of it, at high-waist matte pink pleaded skirt above the knee. Tinignan ko lang yung mga estudyanteng masayang kumakain dito, hindi ko na ikwekwento yung mga couple, nabwibwiset kasi ako. Wala akong lovelife h! What do you expect? "Hey

