Blaire's POV Ano bang gagawin namin? Wala kaming ibang ginawa kundi maglibot-libot lang dito! Ang sakit na ng paa ko! Ba’t ba kasi ako pumayag sa kalokohan ng mga kaibigan ko? Yan tuloy pati si Kurt nadamay! "Ano ba?! Eto lang ba yung gagawin natin? Kanina pa tayo naglalakad eh!" Reklamo ko. Wala ba silang balak kumain muna? Nagugutom na yung mga alaga ko! "Wait lang daw Blaire, may titignan pa daw sila Nathan" Sabi ni Aya at itinuro yung apat na lalake na nauuna samin, "Bakit ka pa kasi sumama? Hindi ka naman kasali sa date nato" Napalingon naman dun sa babaeng nagsalita, at sinamaan siya ng tingin. Eh, kung ihagis ko kaya siya pabalik sa pinanggalingan niya tsk! "Nathalia!" Suway sakanya ni Aeya. Mukhang bet niya ata ‘tong mga kaibigan ko. Psh! Sorry nalang siya kasi ayaw namin saka

