------ ***Elara’s POV*** - Hindi ako maagang nagising dahil hindi rin naman ako nakatulog nang maaga kagabi. Ang dahilan kung bakit ako nahirapang makatulog ay ang halik ni senyorito Hayden sa akin. Hindi talaga maalis-alis sa isip ko ang tamis ng kanyang mga labi. Iyon ang una kong halik kaya hindi ko alam kung siya lang ba talaga ang marunong at masarap humalik, o sadyang ganoon pala ang pakiramdam ng isang halik kahit kanino pa ito magmula. At dahil si senyorito Hayden na naman ang unang pumasok sa isipan ko pagkagising ko pa lang, maganda agad ang mood ko. Hinding-hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi. “Mabuti naman at nagising na ang senyorita,” bungad ni inay nang pumasok ako sa kusina. Halatang wala siya sa mood. Nakasuot na siya ng uniporme para sa trabaho at kasalukuyang ku

