-------- ***Third Person’s POV*** - “What is really your problem, Hayden? Sa tingin mo ba, hindi ko nahahalata? Tila wala ka sa mood kanina habang kausap natin ang wedding coordinator para sa final plan ng kasal natin,” naiiritang sabi sa kanya ni Maricar. Naintindihan naman niya kung ano ang ikinaiinis nito. Totoo, tila wala talaga siya sa mood nang humarap sila sa wedding coordinator nila kanina. Mainit ang ulo niya simula pa kaninang umaga. Pati mga empleyado niya ay napansin ang pagbabago ng ugali niya. Kahit ang pinakamaliit na pagkakamali ng mga ito ay nasisigawan na niya—isang bagay na hindi niya ginagawa noon kahit pa kilala siya bilang istriktong boss. At bakit nga ba mainit ang ulo niya? Bukod sa hindi siya nakatulog kagabi dahil sa mga alaala ni Elara matapos ang muli nila

