------- ***Third Person's POV*** - Note: Sa story pala nina Hayden at Elara, isisingit ko din ang story nina Christine at Harry, 10% lang naman. At may happy ending din sila sa book na ito. - Tama nga si Harry. Hindi siya nagkamali sa hinala niya. Tulad ng inaasahan, sinabi talaga ni Freya sa kanilang mga magulang ang narinig niya kanina—ang sinabi niyang anak niya ang anak ni Elara. Kaya hindi na siya nagtaka nang pagdating niya sa hacienda ay nadatnan niyang nasa sala ang mga ito, nakaupo at tila matagal nang naghihintay sa kanya. Kasama pa nila si Freya at si Christine, na parehong tahimik ngunit halatang nag-aabang din ng mga susunod na mangyayari. Lahat ng mga sinabi niya kay Elara kanina ay pawang totoo. Walang bahid ng kasinungalingan. At kahit hindi man literal na inamin ni E

