-------- ***Elara’s POV*** - Tila naumid ang dila ko. Gusto ko mang magsalita ngunit hindi ko mahanap ang mga salitang dapat kong bigkasin, kaya nanatili lamang akong nakanganga. Aminado ako—kinakabahan ako nang sobra. Malakas ang t*bok ng puso ko, at pilit kong kinakalma ang sarili ko. Ayaw kong maniwala na seryoso si Senyorito Harry, subalit kung pagbabasehan ko ang ekspresyon ng kanyang mukha, malinaw na napakaseryoso niya. Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Tila ba hinihintay niya ang magiging sagot ko. Kasalukuyan ko pa lamang iniisip kung ano ang dapat kong sabihin, kung paano ko babaguhin ang usapan naming dalawa, nang biglang may lumapit sa amin at pinutol ang pag-uusap namin ni Senyorito Harry. “Bro, nandito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ni Mang Jose. M

