------ ***Elara’s POV*** - Halos isang linggo na mula nang umalis si senyorito Hayden, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makalimutan. Lagi siyang bumabalik sa isip ko—lalo na ang halik na pinagsaluhan namin. Sumasakit pa rin sa aking isipin na basta na lang niya akong iniwan pagkatapos niyang halikan. Pakiramdam ko may nawala sa akin na dinala niya nang siya ay umalis. Ganito ba talaga ang pag-ibig? Na napakahirap limutin ang taong natutunan mong ibigin, gaano mo man kagustong kalimutan ito. Kung ganito nga pala, sana hindi na lang ako muling umibig. Natatakot akong masaktan ulit. Ngayong araw, hindi ko inaasahan na makikita ko muli si senyorito Hayden. Natanaw ko siya na kasama ni senyorito Harry na nag-iinspeksyon dito sa palayan. Nang makita ko sila, hindi ko alam kung ano

