Simula ng pagkamuhi!

1732 Words

------- ***Elara’s POV*** - Note: This is the revised and competed version of the teaser. - Sa wakas, matapos ang halos isang oras ng walang patid na pag-iyak, nakatulog din ang munting prinsesa ko. Dahan-dahan ko siyang inilapag sa kanyang crib, halos hindi humihinga sa sobrang pag-iingat—dahil alam kong kahit isang maling galaw lang ay sapat na para magising siyang muli. Tahimik akong nanalangin sa aking isip, “Diyos ko, sana tuloy-tuloy na ang tulog niya.” Mahal ko ang anak ko nang higit pa sa sarili ko. Wala akong reklamo kahit habang-buhay ko pa siyang alagaan. Ngunit hindi ko rin maitatanggi ang pagod—ang bigat ng aking mga braso na tila may bakal, ang paos kong tinig sa kakakanta para makatulog lang siya, at ang mga luha kong pilit kong pinipigil habang siya ay aking hinehele.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD