----- ***Elara's POV*** - "Elara, anak, saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang umuwi? Nag-alala ako ng sobra sa’yo, anak!" Ito agad ang salubong sa akin ni Inay pagkapasok ko pa lang ng pinto. Napahinto ako at halos mapanganga sa gulat. Hindi ko inaasahan ang ganitong pagtanggap mula sa kanya. Ngayon lang siya naging ganito—na para bang sabik na sabik siyang makita ako, na parang matagal niya akong hindi nakasama. Ramdam ko ang pag-aalala at kabog ng boses niya, totoo at walang halong galit. "Saan ka ba galing? Kung saan-saan na kita hinanap! Alam mo bang nag-alala ako ng sobra dahil hindi ka pa umuuwi?" sunod-sunod niyang sabi, halatang puno ng emosyon ang bawat salita. “Ano bang nangyari? Bakit ngayon ka lang umuwi? Masama pa rin ba ang loob mo sa akin, anak?” Hindi ko alam kung a

