Alexandria's POV "BIBIGYAN kita nang pagpipilian, Alvarez!" mala-demonyong saad pa ni Cyrus kay Heinz nang mga oras na ito. "Mamili ka kung sino ang ililigtas mo! Ang sarili mo ba? O ang babaeng 'yan?!" anang Cyrus sabay tingin sa akin. Bagaman nanlalabo ang aking mga mata dahil sa dugo na umaagos mula sa pumutok na ulo, sanhi ng pagkakatilapon namin ni Seiichi sakay ng kabayo, ay nakikita ko pa rin ang galit sa mukha ni Heinz habang nakatingin kay Cyrus. "Hayop ka, Cyrus!! Wala kang puso! Hayop ka!" malakas na sigaw ko sa kaniya. Puno ng galit ang dibdib ko nang mga oras na ito para kay Cyrus. Hindi ko alam na may mas isasama pa pala ang hayop. Pero kasabay ng galit na iyon, ang takot at pag-aalala na namamahay sa dibdib ko dahil sa sitwasyong kinasusuungan. Napadako naman ang tingi

