Ikinurap lang niya ang mga mata ng tuluyan ng mawala sa kanyang paningin ang sasakyan ni Andres. Akala niya ay naubos na ang kanyang mga luha. Ngunit nagkakamali siya. Sunod-sunod ang pagpatak n'on, ng tuluyan siyang mapag-isa. Sinangag na kanin, pritong itlog at hotdog ang nakahain sa hapagkainan. Humila siya ng upuan na naglikha ng ingay sa buong komedor. Kahit na walang ganang kumain ay pinilit niyang lagyan ang sikmura. “Kailangan mong magpakalakas, Destiny. Walang ibang tutulong sayo kundi sarili mo lang. May mas matinding hamon pang paparating kaya dapat mo ng ihanda ang iyong sarili.” Tinusok niya ng tinidor ang hotdog at dinala iyon sa bibig, kinagat at nginuya. Tila siya kumakain ng bulak. Walang lasa. Bawat lunok ay agad niyang sinusundan ng tubig, dahil maging ang kanyang l

