Sa kabila ng pananakit ng kanyang katawan ay nagawa parin ni Destiny ang bumangon ng maaga upang gawin ang daily routine. Cooking Andres, breakfast, and fixing his business suit. Pagkatapos magluto ay agad na hinarap niya ang susuotin ni Andres sa araw na ito. Kinuha niya sa loob ng walk-in closet ang nakahanger na business suit nito at dinala sa kabilang silid kung saan ito natutulog. “Handa na ang agahan mo.” In-hang niya ang bitbit na suit sa naroong coat rack na nasa kaliwang bahagi ng kama at agad hinarap ang pag-aayos ng gusot nitong kama. Nakatayo sa kanang bahagi ng kama si Andres. Bagong paligo ito. Amoy na amoy pa niya ang mabangong amoy ng ginamit nitong sabon at shampoo. Nanunuot iyon sa kanyang pang-amoy. Hindi niya ito tinapunan ng tingin. Ngunit ramdam na ramdam niya

