“Pasok!” Malakas na sigaw ni Andres na nagpanginig ng katawan ni Destiny. “Andres,” napapasigok siya habang panay ang agos ng mga luha at hikbi. “Pasok sabi!” Muli nitong sigaw. Umalingawngaw ang tinig nito sa buong parking lot. Napapalingon rito ang mga taong naroon. Mayroon pang iba na napahinto sabay taas ng mga cellphone. Binibedyuhan sila ng mga ito. “Andres, calm down. Marami ng mga taong nakatingin.” mariin na wika ni Bernadeth. Wala siyang nagawa kundi ang pumasok sa loob ng sasakyan. Siguradong kinabukasan ay laman sila ng mga headline. Umupo siya mismo sa front seat katabi nito. Nanlalamig siya at nanginginig. Lalo pa at kitang-kita niya ang matinding galit sa mga mata ni Andres. Taas baba ang dibdib nito. Kapagkuwan ay binuksan nito ang dove compartment ng sasakyan at k

