Kabanata 22

1000 Words
Kahit gustong magalit ni Rebecca at sabunin ng todo sa sermon ang kaniyang secretary dahil sa nagawa nitong kapalpakan ay pinalampas na lamang niya kesa mastress pa siya..Ngunit hindi na niya mahahabol pa ang Client nila na nagback-out dahil sa pagkakamali ng kaniyang Secretary, "Sorry talaga ho,Mam.." "Ramona,you know how important to me to closed the deal with Mr..Santos...but look, what you've done..." Napayuko ang kaniyang Secretary,sa tagal na nitong pagiging secretary ay ngayon lang naman ito pumalpak.. Napabuga ng hangin si Rebecca at marahan pumikit..bumilang ng isa,dalawa,tatlo para marelax ang sarili..at hindi makapagbitiw ng hindi magandang salita.. "Hindi ko ho talaga sinasadya.."mangiyak-ngiyak ng wika nito. "Palalampasin ko ito ngayon,but ayoko ng mauulit ang ganitong kapalpakan,Ramona..please,gawin mo ng maayos ang trabaho mo."malumanay pa ring wika ni Rebecca sa kaniyang Secretary. "Oho..patawad po." "Okay,you can go now.." Tumango ito at nakayukong lumabas pa rin ng opisina. Nanakit ang ulo na isinandal iyun sa likuran ng kaniyang swivel chair at bahagyang hinimas-himas ni Rebecca ang kaniyang sentido..,,pinipigil ang sarili na huwag ma-stress.May mga pagkakataon talaga na nagkakaroon ng problema ang kanilang kumpanya but she handle and fix it immediately but this time ay hindi na niya iyun maayos dahil mahirap kausap si Mr.Santos kaya nga ginawa niya ang lahat para maka-closed ng deal sa matanda..pero sasayangin lamang ng kaniyang Secretary...Hays! Ilang taon na ba siya sa pagiging CEO ng kumpanya,kaya sanay na siya kung paano pakikibagayan at pakikisamahan ang mga tao sa kaniyang paligid...That's one of the things she learned so that it would be easier for her to get the 'kiliti'of the person na kakausapin niya..kaya nga mabilis niyang napapayag ang kaniyang mga clients but iba si Mr.Santos,palibhasa may edad na rin at mahirap ng kausap..kaya lang wala na siyang magagawa pa...nangyari na. "Mam.."anang isang empleyado na kumatok.. "Yes.."aniyang hindi man lang ito pinagkaabalahang tingnan..at alamin kung sino ba iyun.. "May iaabot lang ho sana ako sainyo.."alanganin wika ng empleyado.. "Okay..just put it on the table." "Sige ho.."anito saka lumabas na rin ng opisina ni Rebecca..mukhang wala są mood ang kanilang Boss dahil hindi naman iyun ganun na hindi namamansin..at hindi man lang nag-abalang tumunghay ito para alamin kung ano ang kaniyang ipinatong sa mesa..dati naman kaait gaano ito niktutok sa ginagawa ay bibigyan agad nito ng pansin ang sadya ng Isang empleyado. Nakaknuot-noong lumapit ito sa officemate nito.. "Mukhang wala są mood si Mam,hindi niya pinagkaabalahan tingnan yung invitation na inabot ko." "Wrong timing ka naman kasi girl,badmood yun si Mam kasi nagback-out ang isang client natin dahil sa kagagawan ni Miss Ramona.." "Huh?kaya pala.." "Yaan muna mapapansin din naman iyun dahil pinatong mo naman sa kaniyang table..imposible naman hindi niya makita.." "Bukas na pati iyun,sana naman makarating si Mam sa binyag ng anak ko." "Oo yan.. gwapo ba mga ninong ng inaanak ko.." "Sus..paglalandi na naman nasa isip mo." Natawa ito.. "Speaking of gwapo..sino sya?"nguso nito sa lalaking pumasok sa kanilang opisina na may dala-dalang bulaklak and chocolates.. Napamulagat ang mga mata ng mga empleyado ng bigang pumasok si Hunter na may dala-dalang bulaklak and chocolates...iisang direksyon lamang ang mga mata ng empleyado at na kay Hunter lamang..nasa mga mata ng mga ito ang pagtataka kung sino ang pupuntahan nito..isa kaya sa mga empleyadong naroroon.. "Oh my!may Isang grasya na pumatak mula sa kalangitan..."impit na tili ng baklang si Jonas isa sa mga empleyado..'HMmmp..pak..ang gwapo..jusko day.." "Shh..tumigil ka sa kalandian mo."sita naman ng isa..ngunit halata din naman na nagwgwapuhan kay Hunter.. "Baka sya na ang binigay na Prince Charming ko na matagal ko ng hinihintay..at dumating na.."malanding wika ng baklang si Jonas. "Assuming,bakla." "Hmmm.."ismid nito. "Hello!" "Hello,Sir..may maitutulong po ba kami,sino po ba ang hanap ninyo?" "I'm looking for Ms.Rebecca,is she there?" "Si Mam Rebecca ang hinahanap ninyo?"gulilatt na tanong ng baklang si Jonas..Hindi ito makapaniwala na sa wakas sa tinagal-tagal na niya bilang isang empleyado ay ngayon lang nangyari na may naghanap ng gwapong lalake sa kanilang Boss.. "Yes.."nangingiting sagot ni Hunter..gusto niyang matawa sa hitsura ng kaharap dahil tila gulat na gulat ito ng marling na si Rebecca ang kaniyang hinahanap.."May problema ba?" "Ah..wala naman Sir pogi,nagulat lang ako..for the first time since ipinanganak ako sa kumpanyang ito,ngayon lang may naglakas loob na dalawin si Mam Rebecca ng gwapong guy with flowers and chocolates pa."Ratsadang wika ng bibig nito. Palihim naa siniko naman ito ng kaofficemate nito. "Itigil mo nga ang bibig mo,napakadaldal talaga ng dila mo..badmood si Mam at kapag narinig ka nun,baka sa labas ka pulutin.." "Huh?ay jusko day..Sir,nagbibiro lang naman ako.."Ani JOnas na biglang bawi są mga sinabi nito."huwag ninyo akong isumbong Sir,nagbibiro lang." Bahagyang natawa si Hunter sa kakenkoyan ng kaniyang kaharap..kaya naman pala ganun si Rebecca dahil pati mga employee nito ay nakakatuwa,may mga sense of humor din.. "It's okay..kung ganun ang swerte ko dahil ako ang unang gwapong tumapak sa opisinang ito para dalawin si Rebecca,ganun ba?"aniyang nakangiti. "Ay,yes naman Sir..tumpak!Baka maitala sa record book ito...Ang unang Adan na tumuntong sa kalupaan ni Mam Rebecca.." "Tumigil ka nga,Jonas..kung ano-ano ang lumalabas sa bibig mo."sawata ng isa sa mga empleyado."Halika na kayo Sir..dito po ang opisina ni Mam.."anito na iginiya na si Hunter patungo sa opisina ni Rebecca. Kaniya-kaniya namang puwesto at bulunan ang mga empleyado ng makatlikod na si Hunter..masaya at kinıkilıg ang mga mukha nito para sa kanilang Boss dahil sa wakas ay may nangahas na rin na lalake na dumalaw sa kanilang Mam Rebecca..ang swerte naman ng kanilang Boss dahil napakagwapo ng guy at mukhang mabait pa. Mahihinang katok ang narinig ni Rebecca..sino na naman kaya ito?binilinan na niya si Ramona na ayaw muna niyang paistorbo ngunit hindi pa rin siya sinunod nito..hay,minsan may katigasan talaga ang ulo ng kaniyang secretary o di kaya wala na naman ito sa loob ng opisina at hindi binilinan ang ibang employee,Naku!naman Ramona.. "Pasok" "Hi!" Nagulat si Rebecca biglant nawala ang pananakit ng kaniyang ulo ng makita ang nakangiting si Hunter na nakadungaw sa bahagyang nakaawang na pinto.Hindi ba siya namamalikmata lang..ang lalake ba talaga ang nasa may pinto at nakatayo. "Hunter?" "Yes."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD