Sa paaralang pinapasukan ni Hanna..
Naglalakad sa may pasilyo ang magkaibigan sina Hanna at Dulce patungo sa canteen,wala naman kasi silang pasok ng unang period kaya naisipan nila na magmeryenda habang naghihintay ng pangalawang period.
"Alam mo Hanna,naiinggit ako sayo.."
Napakunot-noo si Hanna sa kaibigan sa tinuran nito sa kaniya,hindi niya alam na may ganuon palang pakiramdam sa kaniya ang kaibigan,,Ano naman ang rason nito kung bakit ito naiinggit sa kaniya gayung wala naman sa kaniya na dapat kainggitan.Kung tutuusin mas magaling ito sa kaniya sa klase at isa pa ito ang popular sa kanilang school dahil bukod sa maganda na ito ay matalino pa..
"Ano naman ang ikaiinggit mo sa akin,eh!mas lamang ka nga sa akin sa lahat ng bagay kaya nga masaya ako na ikaw ang kaibigan ko.."
Umiling ito at may pait ang ngiti sa mga labi..
"AKala mo lang iyun,pero mas higit kang nakakalamang.."
"Ano ka ba,magkaibigan tayo hindi ka dapat mainggit sa akin.."
Narating nila ang canteen..
"Manang,dalawang pineapple juice and two slices carrot cake.."Ani Dulce sabay abot ng bayad sa kahera..
Naupo sila sa medyo may kalayuan na mga estudyante na naroon at kumakain din.
"Ang ibig kung sabihin kaya ako naiinggit sayo at higit kang nakakalamang sa akin ay dahil may masaya kang pamilya,may mga magulang at kapatıd na mapagmahal."
"Ah so that's what you mean.."ang nauunawaan na niyang ibig nitong sabihin..
Hindi naman kasi lingid sa kaniyang kaibigan kung anong mayroon klase Siyang pamilya,dahil masasabi niyang maswerte talaga siya na ibinigay sa kaniya ang mga magulang at kapatıp na mapagmahal at wala na Siyang mahihiling pa pagdating sa kaniyang pamilya dahil masaya silang nagsasamasama at puno ng pagmamahalan sa bawat isa.
"Samantalang ako,may naturingan nga mayroon mga magulang pero para wala din naman,mas mahalaga są kanila ang trabaho..halos hindi na nga nila ako natatanong man lang kung kumusta ba ako?kung okay ba ako?kung humihinga pa ba ako?"puno ng hinanakit ang dibdib na wika nito.
Nakaramdam ng awa si Hanna sa kaibigan hindi niya alam na malungkot pala ang buhay nito dahil kapag nandito naman sa school ay hindi mo makikita na may mabigat pala itong dinadala,hindi naman kasi halata dahil masayahin ito at palaging nakangiti at nakatawa..kaya sino ang mag-aakalang may mabigat pala itong dinadala sa dibdib.
"Nandito naman ako para sayo...huwag kang mawalan ng pag-asa malay mo baka bukas o sa isang araw paggising mo ay nag-iba na ang ihip ng hangin.."
Napabuntong-hininga si Dulce..
"Hindi ko alam kung kailan yan friend,parang wala ng pag-asa na mangyari pa lalo na at may kaniya-kaniya na silang pamilya."
"Huwag ka ng malungkot,hindi ako sanay na makita kang ganyan.."
Pilit ang ngiting sumilay sa mga labi nito..
"Kaya maswerte ka..hindi talaga fair ang mundo..at nakakalungkot isipin na isa ako sa mga hindi siniwerte sa pagkakaroon ng masayang pamilya."
"Huwag mong sabihin yan,darating din ang panahon na makakaalis ka sa kalungkutang iyan,na mangyayari pa rin ang inaasam mong masayang pamilya,maghintay ka lang."
"Ayokong umasa,friend...baka lalo lang akong masaktan.."
"Nandito naman ako para sayo,kaya huwag ka ng malungkot.."
"Salamat..."
"Ubusin na natin tong pagkain at ilang minuto nalang second period na natin."
"Yap.."Anitong pilit ang ngiti.
TInapos na nila ang kanilang pagkain at muli ng bumalik sa kanilang classroom,wala pa naman ang kanilang guro pagdating nila...ilang oras pa sila naghintay sa kanilang guro bago nag-announce ang isa nilang kaklade na wala ng pasok..
"Gusto mo ba sumama muna sa bahay,dun kana lang din matulog.."pag-aya niya sa kaibigan.
"Sige..may mga naiwan naman akong damit dun eh."nangingiting tugon dito.
Nagulat si Hanna ng makita ang kaniyang kuya na nasa labas ng kanilang school..nakasandal ito sa may kotse at halata naman na hinihintay siya.
"Kuya.."nakangiting sinalubong niya İto ng yakap..
"Hi.."
"Ano ang magandang hangin ang nagdala sayo at naisipan mo akong sunduin."
Natawa ito ng bahagya..
"Sa bahay din naman ang uwi ko at naisipan kung daanan na rin kita,kaya tinawagan ko si Mang Ramon ako na ang magsusundo sayo."
"Okay..kasama ko si Dulce dun sya sa bahay matutulog."
"Hello kuya hunter.."
"kumusta Dulce?"
"Mabuti maman ho."
"Sige na,sumakay na kayo.."
Pagdating ng bahay,ay naaabutan nila ang kanilang ama na si Manolo nakaupo sa sala habang nagkakape.
"Hi dad.."ani Hunter.
Humalik naman sa pisngi nito si Hanna..
"Magandang hapon ho Tito.."ani Dulce sabay mano sa ama ng kaibigan.
"Salamat,Hija.."
"Pa,dito matutulog sa bahay si Dulce.."paalam nito sa ama.
"Okay..magpahinga na muna kayo..at mamaya tatawag na tiyak ang inyong ina para sa dinner."
"Oho."
Bumaling ito kay Hunter na siyang naiwan..
"Kumusta ang transaction mo kay MR.Facundo?"
"Okay naman,Dad..hindi naman mahirap kausap si Don Facundo,okay naman siya at nakikita kung hindi tayo nagkamali ng paglapit sa kaniya..malaki ang maitutulong ng kumpanya ni Don Facundo sa kumpanya natin.."
Tumango-tango ito.
"Good...sya nga pala kumusta naman ang negosyong binabalak nyong itayo ni Mario,kakayanin mo pa ba lahat ng responsibilidad?"
"Oo naman,Dad..wala ba kayong tiwala są akin,saka nandyan naman kayong dalawa ni Mario para suportahan ako hindi ba?"
"Oo naman..proud ako sayo anak..kaya lamang ay huwag mo naman masyadong abusuhın ang sarili mo sa trabaho,gusto na rin namen ng Mommy mo na magkaapo,kailan mo ba balak na mag-asawa?"
"dad,wala pa nga akong aasawahin eh.."naiiling na sagot nya sa ama..
"Aba,huwag pabagal-bagal,nasa tamang edad ka na rin naman,at pwede ka ng bumuo ng sarili mong pamilya,anak."
"Dad naman...bakit napunta naman sa pag-aasawa ko ang usapan,wala pa nga akong girlfriend,,uunahin ko munang maghanap ng girlfriend, okay.."
"paano kang magkakaroon ng girlfriend,wala ka ng inatupag kundi puro trabaho.."sabat ng kaniyang ina na hindi nila namalayang nakalapit na pala..
"Hi Mom,,"aniya sabay halik sa pisngi ng ina."hindi ko pa lamang nakikilala ang babaeng nais kung pakasalan.."
"Paano mo naman makikilala kung puro papel ang kaharap mo sa maghapon.."napaismid na wika ni Lucila sa anak.
Natawa ang kaniyang ama sa tinuran ng kaniyang ina,kunsabagay may point naman ito,paano nga naman niya makikilala kung puro papel na lang ang kaniyang kaharap,wala nga Siyang time para mag happy-happy dahil simula ng siya na ang ipinalit na CEO ng kaaiyang ama ay nawalan na siya ng oras to enjoy.
'