CHAPTER 37 KAHIT PAGOD hindi pa rin napigil ang sarili na maagang nagising. Paglingon niya sa kanyang tabi mahimbing pang natutulog ang Gobernador, naghihilik pa ito. Kaya napagpasyahan na lamang niyang bumangon para tumulong sa baba. Hindi naman kasi siya sanay na tanghaliin ng gising. Sa bahay nila alas tres pa lamang ng madaling araw nagigising na siya para ihanda ang kanyang mga paninda. Baka kausapin na lamang niya ang kanyang asawa na baka magpatuloy pa rin siya sa pagtitinda. Nakababagot dito sa loob ng bahay. Hindi siya sanay na umaasa na lamang at walang nagagawa buong maghapon. Minabuti niyang maligo muna bago bumama sa kusina para naman mababawasan ang sakit ng kanyang katawan. Madaliang ligo lamang dahil giniginaw siya sa malamig na tubig na lumalabas mula sa shower nguni

