Kabanata 3 (STILL FLASHBACK)
DID HE REMEMBERED ME? Na ako 'yung babaeng nagtaray sa kaniya.
Hindi naman ako magtataray non eh. Well, hindi rin maiiwasan. I just had a problem that day. Na palagi na lang akong inuutusan ng magulang ko sa mga ganon. Hindi ang ate ko na buhay prinsesa. Kahit na dapat kami ang princess na dalawa.
Nang makapasok sa room. Hindi ko pinansin si Pearl.
Bestfriend ko na maituturing. Pero halos ipagtabuyan ako kay Nicholas kahit na ayoko sa lalaki.
Nakabored ang turo at halos makatulog na ako. Buti na lang dahil sa haba ng lecture hindi ako pinagalitan. Nasagutan ko pa ng tama nang tinanong ako.
"Galit ka pa ba?" Marahan na tanong ni Pearl sa akin ng sundan ako.
"Sa tingin mo?" Balik ko.
Nakita ko ang pagtaray nito na hindi ko maiwasan na pagtaasan ng kilay at ikinabitbalikat na lang rin. Isa pa, ganyan talaga ang ugali nito. Parehas lang naman kami. Kaya nga naging magkaibigan kami. But I'm aware that she was really sorry.
"You're forgiven. Next time please..." Sabi ko at sumenyas.
Tumango naman ito at ngumiti.
Habang naglalakad kami nag tanong ito sa akin. "He's gwapo naman, Annika. He's also rich and a basketball varsity player ng campus natin. Ba't hindi mo siya magustuhan man lang at sagutin sa panliligaw?"
"He's so mayabang." Sagot ko.
"Kase may ipagmamayabang naman." Pahayag nito.
"Kahit na." ani ko.
"I don't like it. I mean... anong pake ko kung gwapo at mayaman, whatsoever si Nicholas. Mahalaga sa'kin gusto ko o mahal ko. Wala sa dalawa si Nicholas."
"Gusto mo man o mahal. Wala rin naman saysay. Your parents is so matapobre kaya. I'm 100 percent sure na when you graduated in college. They'll arrange marriage you to a rich man na mahuhuthutan nila."
"Hindi 'yan mangyayari." Sabi ko.
"How?"
"If I'm not that serious for the someone I like or love. Then..."
"So, papayag ka rin palang magpakasal?"
"I don't have choice, Pearl. I can't live without the Gucci bag and then the extravagant dress." Inisa isa ko pa rito ang pagpapaliwanag.
"Kung sakaling mahirap man ang magustuhan at mahalin mo. Kawawa naman pala. Kase hindi mo ipaglalaban." Na kinatango ko at hindi na binigyan ng sagot.
But I don't hold the future. Malay ko bang iba ang maging decision na gawin ko.
When I saw the car na susundo sa akin. Nagpaalam na ako kay Pearl at pumasok sa loob.
Nadaanan pa ng sasakyan ko 'yung lalaking nagbabasura at janitor na ng school.
Nagpupulot naman ito ng mga bote bote sa daan ng tignan ko sa windshield.
What's he doing?
But I realized one thing...
He's poor.
Not pretending to be poor katulad ng naisip ko kanina. Kundi totoong mahirap.
--
"Open the door, annika." Utos ni Mommy habang nasa sala kaming tatlo.
Nanonood sa Netflix ng Money Heist o Lacasa De Papel. Our family bonding is watching.
"But why me?"
"Bakit hindi ikaw?" Balik na tanong nito sa akin at halos irapan ako.
Naiinis man kase lagi na lang ako. Hindi na ulit ako nagsalita at tumayo na lang.
Kainis! Why YAYA left pa kase eh. Bakit din ako lagi?! Duh...
Si ate oh. Wala man lang ginawa.
Nang buksan ko ang pinto, napahawak ako sa dibdib ng magulat dahil sa lalaking nasa harapan ko.
Mapagbiro ba ang tadhana? Bakit lagi ko itong nakikita?
Kinalimutan ko na nga ito kahapon tapos ngayon...nasa harapan ko pa at parang 'di ko na talaga makakalimutan.
"Hi, Ma'am!" Sabi nito at may ngiti.
"Ako na po pala ang bagong maghahatid ng newspaper dito sa subdivision niyo."
Iniabot nito sa akin ang dyaryo na kaagad kong tinanggap. Kaso mukhang walang balak itong ibigay dahil naroon pa din ang kamay nito.
"Excuse me," sabi ko at halos magkasalubong na ang kilay.
"Ay, sorry!" Wika naman nito at napakamot sa batok. Waring nahihiya pero I'm sure sinadya nito.
"Thank you, " sambit ko at papasok na sana sa loob ng hawakan nito ang braso ko.
"Logan Haslet Fajardo."
"So?" balik ko. Bakit nito sinasabi ang pangalan? Nabasa ba nito ang isip ko?
"Pangalan ko, baby face."
"WHAT?!"
"Baka kase gusto mong malaman eh. Atsaka para hindi ka na magtaka kung sakaling makakita ka ng mga love letter sa locker mo na pangalan ko ang nakalagay."
"Gusto kita...ayoko ng magpaligoy ligoy pa dahil baka maunahan pa ako ng iba. Kung mamarapatin mo. Pwede ba akong manligaw sa'yo? Para patunayan ko kung gaano kita kagusto o parang mahal na ata eh."
Bago pa ko sumagot, narinig ko ang yabag ng paparating.
Hindi ako sumagot dito at pekeng ngumiti sa Mommy ko na nasa tapat ko na.
"Pumasok ka na, annika. Hindi makikipag-usap ka pa ng matagal sa mahihirap. You know, don't stoop on their level." Pinahihiwatig nito na lagi kong pakatandaan.
Habang lumalayo. Napabuntong hininga ako.
Narinig kaya ni Mommy ang sinabi ni Logan?
--
HE LIKE ME?
SERIOUSLY?
Umiling ako.
Paano naman ako nagustuhan ni Logan eh hindi naman ako maganda. Dahil ba mayaman ako? If that's the case then...
hindi ko talaga 'to seseryosohin.
Maybe my parents was right. When you're not pretty but you're rich. Then man will after your money only.
Sa mga sumunod na araw lagi kong nakikita ang mga letter ni Logan sa loob ng locker ko.
Maraming letter ang naroon. Pero isa lang ang pumukaw sa akin.
'Yung love letter ni Logan. Palagi kong binabasa ang mga iyon kapag nasa silid ako.
Ewan ko kung after lang siya sa money o totoong gusto ako nito.
"Okay, bye." Paalam ni Pearl sa akin.
"Take care." Sabi ko naman dito. Tumango ito at sumabay na sa mga kagrupo sa isang subject namin.
Tapos na kaming kagrupo. So, wala na kong pinobroblema pa.
Nang papasok na ko sa kotse. Hindi ko inaasahan na makita si...
Logan sa katabi ng driver ko.
"What's he doing here, Manong?" Tanong ko.
"Makikisabay lang, Ma'am." wika nito at hindi makatingin sa akin.
"Hindi ka dapat nagpapapasok ng hindi mo kilala, Manong." Sabi ko pa ng magsimula na itong magdrive.
"Kilala ko 'yan, Ma'am at mabait. Taga samin lang din 'yan, Ma'am." Pagpaliwanag nito.
"Baka naman akala mo lang."
"Hindi po Ma'am. Mabait po talaga 'yan."
Tumango na lang ako at hindi tumingin. Kase idedefend parin naman nito.
"Siya pala ang anak ng amo mo, Manong Gerard." Kausap ni Logan rito.
"Oo naman. Maganda 'no?"
Napataas ang kilay ko.
Ba't ako pinag-uusapan ng mga ito? Hindi ba nila alam na naririnig ko sila?
"Sobrang ganda...at gusto ko siya."
Lumingon ito sa akin. "So, baka kase nakalimutan mo na. Gusto ko lang ipaalala. Pwede bang manligaw sa'yo?"
"Logan." Sambit ni Manong Gerard at nanlaki ang mata habang nagdadrive.
"Siya 'yung tinutukoy ko sa'yo, Manong na gusto kong babae at sa tingin ko mahal ko na rin."
"Wag kang mag-alala, Miss. Maghihintay ako."
"May pangalan ako."
Gusto ako ta's hindi alam pangalan?
"Maghihintay ako, annika. Para sa pagpayag mong ligawan ka."
Well, I want to say agreed akong ligawan nito. Dahil parehas lang kami ng feelings. Ngunit I dunno ko kung may balak ba akong sagutin ito.
Sa mga magulang ko baka hindi pwede.
It's either isekreto ko o sasabihin.
Ni isang beses hindi ako nagsikreto sa mga ito. Ngayon ba ang araw?