HSV7: Invited

1145 Words
Namilog ang mata ni Eliza sa sinabi ni Roman. Ano daw? My Eli? Biglang tinubuan ng hiya si Eliza sa posisyon nila ng amo. Nakabuka pa rin ang kanyang hita at nakatunghay pa rin ito sa kanyang p********e. Biglang tiniklop ng dalaga ang kanyang hita. Nakadamit pa rin si Roman at biglang tumunog ang cellphone nito. Dali-daling bumangon si Eliza at muling sinuot ang roba atsaka pumunta sa tokador para maghagilap ng masusuot doon. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto tanda na bumaba na si Roman. Kahit nabitin ay bumaba si Roman. Nakatatak sa screen ng cellphone na ang kanyang ina na si Olivia ang tumatawag. Ibig sabihin lang nito ay may nagsumbong nanaman na babae. Who could it be? Sabrina? Chrissa or Monette? Hindi niya maintindihan ang kanyang ina kung bakit sa kabila ng marami niyang flings ay hindi pa rin ito napapagod na hanapan siya ng blind date. At ang nakakarindi nitong litanya sa tuwina. “Sino ang magmamana ng pinaghirapan ninyong dalawa ng Papa mo?” O hindi kaya ay “Apo na lang ang magbibigay kasiyahan sa iyong Mama. Matitiis mo ba na bawian ako ng buhay na hindi nasisilayan ang tagapagmana ng Rancho Vergara?” Wala na sa bokabularyo niya ang anak. He is past his prime. Anim na taon na lang at cincuenta anyos na siya. Kawawa naman ang anak niya kung sakali. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago sinagot ang tawag. “Hello Ma, anything urgent?” “Hijo, we will be holding a party on Wednesday. Please invite your new Vet. Gusto ko siyang ma-meet.” Marami pa ang sinabi ng ina ni Roman pero pawang pagsang-ayon lang ang ginawa niya para hindi na humaba pa ang usapan. Basta ang malinaw sa kanya ay dadalo ang pamilya ni Chrissa. Kung clingy si Sabrina ay iba rin ang talent ni Chrissa. Immature ito kahit trenta anyos na. Hindi rin ito nagdadamit ng naaayon sa edad. Napatingin si Roman sa hagdan nang bumaba si Eliza buhat doon. Nakadamit na ang dalaga pero halata sa mukha ang kakaibang kislap sa mga mata. Like an afterglow from lovemaking. He still haven't decided his next step. What he is thinking right now is her young and fresh body. He knows that she isn't that experienced while doing foreplay on her. “My Mama called me. She told me to invite you on Wednesday. She is throwing a party with family friends and she wants to meet you.” Tiningnan ni Roman ang kaaya-ayang mukha ng dalaga at hinintay ang magiging sagot. “Uhm, is there any particular dress code Sir? Baka ma-out of place ako doon.” Biglang tinubuan ng hiya si Eliza. Sa antas ng pamumuhay ng mga Vergara bilang pinakamalawak na Rancho ay pihadong mga mayayaman ang dadalo. “None in particular. But if you like, I'll send you a gown on Tuesday night. Don't refuse. It's on me.” Kinintalan ni Roman ng isang mabining halik sa noo si Eliza bago lumabas ng bunkhouse. Natulala si Eliza sa narinig mula sa amo. Ginagap niya ang noo kung saan dumampi ang labi ni Roman. Napangiti siya sa sarili at hindi inaasahan ang bilis ng pangyayari. Pero, kinakabahan siya sa dadaluhan na party. Baka doon siya masupalpal sa kanyang pagiging ilusyunada. Nabasa niya noon sa mga lokal na newspaper ang sari-saring babae na katabi ni Roman sa mga picture sa mga dinadaluhan nitong event. Marami siyang gagawin bukas at sinabihan na siya ng Ninong Eduardo na pumunta sa Horse Breeding Center. May pag-uusapan silang mahalagang bagay ukol sa birthing plan ng isang thorough broodmare na si Snow. Pinaghahandaan ng mga Veterinarian Surgeon ang posibilidad na biyakin ang hayop dahil mahihirapan diumanong ipalabas ang ipinagbubuntis nito. Binalikan niya ang mga naranasan sa kanyang OJT kung saan nag-assist siya ng manganganak na pug. Amazed siya nang unang masaksihan iyon. Hindi pa naman nila nararanasan ang ganoon sa mga alagang kambing ni Tatay Antonio niya. Hanggang sa nilamon na siya ng antok at nakatulog na. Kinabukasan ay nagising si Eliza sa tunog ng alarm sa cellphone niya. Alas singko y medya pa lang at unti-unti ng lumiliwanag ang paligid. Kaagad siyang gumayak at bumaba na para magkape. Eksaktong alas sais ay may kumatok. Napatingin siya sa pinto at tinanong muna kung sino ang naroon. “Sino iyan?” “Ako ito si Roman.” Kaagad binuksan ni Eliza ang pinto at nagulat siya ng pagkatapos nitong isara ay sinibasib siya nito ng halik. Wala siyang nagawa at ipinikit na lang ang kanyang mata at ninamnam ang sarap na dulot ng halik na iyon. Binitawan nito ang labi ng dalaga nang halos maubusan sila ng hangin sa kanilang mga baga. “I’ve been dreaming of doing this to you.” Akmang lalapit si Roman kay Eliza nang minuwestra ng dalaga ang kamay na huwag lumapit ang amo. “I think Sir, we are heading too fast.” Nakayukong saad ni Eliza. “But, why Eli? We both know we like each other? It's obvious by the way you respond to me.” “But Sir, nakakahiya po kung malaman nila na palihim na nagtatagpo tayo.” Nakagat ni Eliza ang kanyang labi at napayuko. Ngayon lang niya na-realize na naging easy yata siya masyado at nag-isip kaagad ang amo niya na malambot ang ilong niya. “We are both single. Ano ang nakakahiya? Not unless you are bothered with our age gap?” “Of course not. Your age doesn't bother me. Infact, I like older men…” Mahinang usal ni Eliza. Natahimik si Roman sa sinabi ng dalaga. “Okay let's just set aside their remarks. What's important is that we like each other. Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay inaya ni Eliza na mag-almusal ang amo. Mabilisan siyang nagluto ng sunny eggs at chicken franks na nasa pantry niya. Nagtimpla na rin siya ng kape at sabay na sila nag-almusal. “For a professional, you know how to cook.” “I have to. Bata pa lang ako ay wala na po akong ina. At para hindi magsawa sa paulit-ulit na luto ni Tatay ay inaral ko magluto.” Matapos magligpit at maghugas ay sabay na pinuntahan na nila ang horse breeding center. Nakisakay na si Eliza sa pick up ng amo. Nasasamyo niya ang amoy ng perfume ni Roman na humalo sa amoy ng car freshener nito. Swabe lang sa ilong at hindi masyadong matapang. Limang minuto lang at andun na sila. Pagbaba ni Eliza ay sinalubong siya ng Ninong Eduardo niya kaya nagmano siya rito. May isa pang lalaki na katabi ang kanyang Ninong at tinaguhan at nginitian niya ito ng matamis. Narinig ni Eliza ang pagtikhim ni Roman at biglang sumeryoso at dumilim ang anyo nito “Okay let's get inside and start the meeting.” Nauna na itong naglakad at naiwan ang tatlo na nagtataka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD