Umawang ang labi ko nang mabuksan ko ang dining room at nakita na nagkakagulo ang mga tao, specifically sina Zeke, James, Isiah, Yza, Mia along with Blake. Habang si Athena naman ay dikit ang kilay na nakatitig lang sa mga tao sa paligid niya at si Alessandro na as usual ay hindi na naman makikitaan ng emosyon sa itsura. Recognition filled his eyes nang mapansin niya akong nakatayo sa pinto. Hindi makapaniwalang nilibot ko ng tingin ang paligid at tinitigan ang pamilyar na itsura ng mga kaibigan ko. 'Mga kaibigan ko' ang sarap lang sabihin ng ganoong salita. Kakagising ko pa lang kaya ganoon na lang ang gulat ko na makita silang lahat dito. Parang kahapon lang naman ay kaming tatlo lang ang nandito, maliban sa ibang tauhan ni Alessandro na hindi ko naman ka-close at hindi ko naman makaus

