KABANATA 6
Matapos niyon ay hindi na ako nag-abala pang mag-angat ng tingin—hindi na ako nag-abala pang intindihin ang kagaguhan nilang dalawa. 'Cause obviously, wala namang patutunguhan ang pag-uusapan nila, so instead na mag-aksaya pa ako ng oras kakatuon sa atensiyon ko sakanila'y itinuon ko na lang ang buong atensiyon ko sa binabasa ko nang sa gayon ay may maisasagot ako sa exam ko mamaya.
Actually, naaral ko na naman ang iba sa mga ito kagabi ngunit ang mga naaral ko na iyon ay hindi sapat para masiguro 'kong maipapasa ko ang test ni sir mamaya. Dapat kasi one hundred percent akong sigurado na maipasa ang test na ito kung kaya't pilit ko talagang itinutuon ang buong atensiyon ko sa binabasa ko kahit na'y nagsisimula na akong mawala sa pokus dahil sa ingay ng mga tarantadu kong mga kaklase na ngayon ay nagsisipasukan na sa classroom, isang palatandaan na natapos na nilang sagutan ang exam ni Ma'am Buenaventura kanina.
I need to pass this exam dahil kapag hindi ko naipasa ang exam na ito'y paniguradong bababa ang grades ko at sa oras na bumaba ito'y paniguradong mawawala sa akin ang scholarship na meron ako. I know that I am pressuring myself because of this, but I can't do anything about it. Kung sana'y buhay pa sana sila sir Carson, paniguradong hindi ako naghihirap sa buhay ko ngayon at panigurado ring hindi ko prini-pressure ang sarili ko ngayon.
I am an Carson Scholar since I was elementary, at dahil doo'y hindi ko gaano nararamdaman ang pressure sa pag-aaral ko, okay lang kasi sakanila na may grade ka na eighty as long as 'yong average mo ay 90. Hindi katulad dito na kailangan talaga 90 above ang grades mo.
At dahil rin sa pagiging scholar ko sakanila'y tanging ang pagtratrabaho lamang ang iniisip ko para sa pamilya ko. hindi ko na kasi prinoproblema ang pang tuition at ang mga miliscinous fee ko sa school dahil sila mismo ang nagbabayad nito and the best part is that every month ay may natatanggap kaming 5 thousand for pang baon namin sa school for month, minsan nga'y dinadagdagan nila ito ng another 5 thousand kapag ang general average mo'y umaabot sa 95.
I am really really grateful to become one of his scholars, dahil sa mga panahong iyon ay literal talaga na medyo guminhawa ang buhay ko—ang buhay namin, dahil ang kinikita ko noon sa pagtratrabaho ko'y nalalaan ko sa pag-iipon ko at yong 5 thousand na palaging ibinibigay sa akin ay doon ko kinukuha ang lahat ng gastusin ko dito sa bahay. From the meds of my lola, from the my baon sa school, from the bills and everything...
Akala ko noong una'y hanggang sa pag college ko ang scholar na iyon, akala ko noong una'y hanggang sa maka graduate ako ang scholar na iyon but everything fall apart when a sudden news came to us, ang balita na kung saa'y patay na si sir Carson na siyang nag papaaral sa amin. According to the news, his wife was being kidnapped by his owned mom becasue of undetified reason. At dahil nga doo'y binalak ni Mr. Carson na sagipin ang asawa niya, ngunit sa kalagitnaan ng pagsasagip niya dito'y pareho silang natamaan ng ilang bala na siyang naging dahilan kung bakit natapos ang buhay nilang dalawa.
At ang mas naging kalunos-lunos pa'y pareho silang naging abo ng sumabog ang pinangyarihan ng krimen na iyon. Wala silang nakitang bangkay sa pinangyarihan ng krimen na iyon kahit isa man lang, isang palatandaan na ang lahat ng mga nasawi sa trahedya na iyon ay purong naging abo. And the one who kinnaped? Andon sa mental hospital. Naging baliw daw. Naging baliw raw ito matapos nitong mapagtanto ang lahat ng kamalian na nagawa nito sa buhay nito. At 'yong kasabwat raw ng mama ni Sir Carson na siyang punot dulo ng lahat ay nakatakas raw at magpahanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin daw ng mga pulisya.
At ang iba rin namang nitong mga kasabwat ay nasa pangangalaga na raw ng mga polisya. Which is good. Kasi kahit papano'y nagkaroon rin ng hustisya ang pagkamatay nilang dalawa. At kasabay ng kanilang pagkawala sa mundong ito ay ang pagkawala rin ng scholarship ko at dahil doo'y muli ko na namang naramdaman ang kalbaryo ng buhay ko.
Life is really cruel on me ha? Kasi kung kalian nakakaramdaman na kami ng ginhawa sa buhay ay 'tsaka pa naman kinuha ng diyos ang mga mabubuting tao na iyon, na siyang naging dahilan kung bakit muli kong naranasan ang hagupit ng buhay.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko muling ipinukos ang buong atenisyon ko sa binabasa ko kahit nay sa totoo lang ay hindi ko na talaga naiintindihan ang mga binabasa ko dulot ng mas dumoble pa ang ingay na pinapakawalan ng mga classmate ko.
Ang ingay ingay nila literall, sa sobrang ingay nila ay hindi na ako magtataka pa kung umabot na sa kabilang building ang mga boses nila. Para silang nasa palengke kung tutuusin, puro kasi sila nagsisigawan e, 'yong tipong palakasan ang boses para lang makakuha ng customer. And it really irritates the hell out of me.
Kasi, does they even know? Na may isang kagaya ko na nag-aaral sa isang tabi at gusto ng katahimikan? Does they even know that I really need the total silence so that I can study well? Damn them.
Asan na ba kasi ang mga officer ng classroom na ito o hindi kaya si press? I really need them, dahil sila lang kasi ang may karapatan na patahimikin ang mga ito. Kasi kapag ako ang gumawa sa bagay na iyon ay paniguradong masasabihan na naman ako ng kill joy, at paniguradong magagalit na naman ang mga ito sa akin. Kaya asan na ba sila?
Nasagot ang katanongan ko na iyon ng makita ko si press at ang ibang mga officers na tumatawa. Napairap na lang tuloy ako dahil doon. E kasi, kung sino pa 'yong dapat na magpanatili sa katahimikan ng room ay siya pa iyong nagpapasimula sa ingay. Tss.
Balak ko sanang lumapit kay press upang sabihin sakanya ang mga concerns ko ngunit isinarili ko na lamang iyon at isinarili ko na lang iyon, dahil paniguradong kapag sinabi ko ang mga concerns ko sakanya ay ako na naman ang mapapasama.
Nasa kalagitnaan na ako ng binabasa ko ng magsitahimik ang lahat na siyang naging dahilan kung bakit ako nagtaka at napa-angat ng tingin at wala sa sariling ako'y napailing ng makita ko ang dahilan kung bakit sila nagsitahimik.
Isang malakas na tunog ang umalingaw-ngaw sa buong kabuuan ng room na siyang naging dahilan kung bakit nakabalik ang mga kaklase ko sa mga ulirat nila.
Kalauna'y nagkakandarapang napaupo ang mga ito sa kanya kanya nilang mga upuan, kabilang sa mga nagkandarapa na iyon ay si Candice na ngayon ay hindi na magkamayaw kung saan uupo. Wala sa sariling ako'y napangiti ng makita ko kung paano natisod ang isa sa mga kaklase ko dulot ng pagmamadali niya. May iba rin na muntik ng madapa dulot rin ng pagmamadali nila.
Napatingin ako sa gilid ko ng marinig ko ang hingal ni Candice at ng lumingon ako'y doon ko nakita ang pawisan niyang mukha.
"Yan, chissmiss pa," ang natatawa kong ani sakanya na siyang nagpatigil sa ginagawa niyang pagpupunas sa pawisan niyang noo.
Inismiran ako nito, "Tse!" ani nito sabay irap.
Napailing na lang ako dahil sa inakto niya atsaka ko itinuon ang atensiyon ko kay sir na ngayon ay nagsisimula ng mag-alburuto na parang bulkan.
"You guys are totally a mess!" nag-aalburoto sa galit napaninimula nito. "Myghad for pete's sake college na kayo ngunit kung umakto kayo ay parang nasa elementary pa kay—" hindi na ko nag-abala pang pakinggan ang susunod nitong sasabihin bagkos ay muli ko nalang itinuon ang atensiyon ko sa binabasa ko, total wala naman akong kinalaman sa mga pinagagawa nila e.
Lumipas ang mga oras at tanging ang galit na galit lamang na boses ni sir ang umaalingaw-ngaw sa loob ng room na siyang ipinagpasalamat ko naman dahil sa kadahilanang dahil sa pag-aalburuto niya na iyon ay walang naganap na test hanggang sa matapos na lang ang time ng klase niya sa amin.
Lumipas ang mga oras at walang test na naganap na siyang ikipinagpasalamat ko naman dahil mas magkaroon pa ako ng time upang mag-aral. Pero hindi ko inaakalang ang saya ko na iyon ay mapapalitan ng pangamba nang marinig ko ang mga katagang binitawan ni sir bago lumabas.
"Prepare your self for the long and hard quiz next meeting. Ang quiz na sana'y dapat na i-tatake niyo ngayon ay mas magiging mahirap pa, at ang item ay dodoble pa," aniya bago niya pinulot ang mga gamit niyang nagkalat sa sahig.
Itinapon niya kasi ang mga ito kanina, siguro ng hindi na niya kinaya pa ang frustration na nararamdaman niya kung kaya't itinapon niya ang mga ito. Nang matapos na siya sa pagpupulot niya'y tumayo na siya at saka nagsimula ng maglakad palapit sa pinto at bago pa man siya tuluyang makalabas sa pintong iyon ay muli siyang lumingon sa gawi namin ng may panghihinayang, "You really disappoint me guys," ang nanghihinayang na ani niya bago niya walang lingonan na nilisan ang classroom namin. But before that, padabog niyang isinara ang pinto na siyang naging dahilan kung bakit umalingaw-ngaw ang malakas na tunog na iyon sa room.
Akala ko magiging tahimik na ng tuluyan ang room dahil doon—dahil may isang guro na naman silang na pa walk out, but I was wrong. I was f*****g wrong ng makita ko kung paano tumayo si Jude sa kinauupuan niya sabay sabing,
"Lets! Party party!" Jude shouted which made my classmates laugh and shout too.
They all laugh and shout, na tila ba'y nasiyahan sila sa nagawa nila kay sir. Kung kanina'y kung makaasta sila ay aakalain mong anghel sila na napagalitan dahil sa tense na nararamdaman nila puwera nalang kay Jude na kanina ko pa napapansing pa chill chill lang sa kinauupuan niya. Anak kasi ni Dean kaya ganon nalang kung maakasta.
Kung kanina'y tense na tense sila ngayon naman ay para silang mga unggoy na nakawala sa halwa kung makaasta.
Napailing na lang tuloy ako dahil sa mga inakto nila. Kasi paano nila maatim na magsaya e samantalang alam naman nila na may napa-istress sila sa araw na ito? Paano nila naatim na magsaya e samatalang yong guro namin ay halos mamatay na dahil sa galit na nararamdaman nito?
Wala sa sariling ako'y muling napailing dahil sa kaisipan ko na iyon. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko atsaka ko isinukbit ang bag ko sa balikat ko. samantalang 'yong libro ko'y binitbit ko lang.
Hindi na ako nag-atubili pang lisanin ang lugar na iyon, dali dali 'kong nilisan ang lugar na iyon hindi inaalintana ang posibilidad na maaring magalit na naman sa akin si Candice dahil sa ginawa kong pag-iwan sakanya. Mukhang enjoy na enjoy naman siya don e, kaya bahala siya.
Snack break na naman ngayon, at imbes na pumunta sa cafeteria upang mag snack ay pumasok na lang ako sa class room namin at doon isinubsob ang ulo ko sa desk ko ng sa gayon ay makatulog na ako. Kinulang kasi talaga ako sa tulog kagabi, at sana'y mabawi ko ang kulang ko na iyon sa 15 minutes kong break.
"Nandiyan na si prof," rinig kung bulong ng nino man na siyang nagpagising sa natutulog kong diwa.
Dahan dahan kung iminulat ang mga mata ko at wala sa sariling napaayos ako ng upo ng makita kong nakatuon na pala sa akin ang atensiyon nila at ng tumingin ako sa gawi ng harapan ay doon ko nakita ang nakaisang kilay ni Prof Risa.
"Hi prof," ang hilaw kong bakit sakanya sabay pagpapakawala rin ng isang hilaw na tawa. Narinig ko naman kung paano magsihagikhikan ang mga kaklase ko.
"Class quit!" prof said na sinunod naman ng mga kaklase ko.
"Miss Marra, how many times do I need to tell you that sleeping in my class is prohibited?" she asked strictly na siyang naging dahilan kung bakit ako napayuko.
"Sorry po prof," ang tanging ani ko sakanya.
"Your sorry is not acceptable Miss Marra dahil hindi pa lang ito ang unang beses na tinulugan mo ang subject ko. Ayos lang sana kung ito pa 'yong kauna-unahang pagkakataon. Pero hindi e!"
Mas lalo pa akong napayuko dahil doon. Ramdam na ramdam ko na ang hiya na bumabalot sa katawan ko.
Ano ka ba naman kasi self, sa rinami raming subject na puwede mong tulugan ba't sa minor subject mo pa ikaw natulog? Sa minor subject na kung makaasta ay major.
"Sorry," ulit ko pang ani.
I heard her laughed sarcastically, "Answer the problem in the board Marra."
Nang dahil sa mga sinabi niyang iyon ay wala sa sariling ako'y napa-angat ng tingin sa gawi ng board at wala sa sariling ako'y napalunok ng makita ko ang problem na tinutukoy niya.
Patay!